Kapit-bahay Natin ito

meron akong kapit-bahay nagtatrabaho daw sya sa MERALCO bilang kahera.
graduate daw sya ng accountant, pinagmamalaki diploma nya.
mahigpit daw kase ang meralco mag-hire ng empleyado
kailangan ang "required-field" sa simpleng job vacancy.
nagbayad ako ng koryente ngayon
may ilang katanungan sana ako para lang malaman kung ano ang laman ng utak ng kahera
sagot nya sa akin " pumunta ka sa customer service."
nagulat ako kase hindi ako graduate ng accountant at hindi ako nagtatrabaho sa meralco
pero sa tingin ko kaya kong sagutin ang mga simpleng katanungan ng isang costumer.
hindi ako pumunta ng customer service section nila
dahil alam ko naman na ang sagot, pinaglalaruan ko lang ang "required-field" ng trabaho ng bawat empleyado.

sa terminal ng trike, may mamang nagtitinda ng mani
habang namimili ng iba't-ibang klase na lutong mani ni manong
naisip kong paglaruan ang isip nya...
habang nakikipagdaldalan sya sa mamang nagtitinda ng mais
marami akong pinili at ang halaga ng pinili ko ay 45 pesos
inabot ko ang 100 pesos at di na sya nag-isip ng i-abot nya ang 55 pesos sa akin
(habang nakikipagdaldalan sa isang kapwa tindero)
natuwa ako sa mama at kinausap ko sya...
tinanong ko kung gaano na sya katagal nagtitinda ng mani
sabi nya mahigit isang taon pa lang at yun ang ibinubuhay nya sa pamilya nya
kumita lang sya ng 200 pesos sa isang araw buhay na sila ng pamilya nya.
gipit pero nabubuhay naman daw sila.
hindi daw sya graduate ng elementarya kaya gusto nyang makatapos ng pagaaral ang matalino nyang anak na 1st honor last year.
natuwa akong iwanan ang masayahing mukha ni manong.
marami akong natutunan sa kwento nya kahit graduate ako ng college.

galing ako ng hospital sa may laspinas kasama ko boyfriend kong foreigner
nagulat ako sa mga nurse na nagtatrabaho dun.
lahat ay nakatingin sa boyfriend ko at kinikilig
walang pakialam kung nandyan ang girlfriend o wala.
lumapit ako sa front desk
halos ayaw akong pansinin ng mga nurse
tinatarayan ako, nakakatawa lang kase mukha na silang tanga kakatingin sa boyfriend ko.
ang hirap lang tanggapin kase akala nila napulot lang ako sa ermita ng boyfriend ko.
(hahaha)
nagtanong ako ng several procedures ng hepa test na kailangan ko i-take
walang makasagot sa tanong ko
may lumapit na doctor at tinanong ako kung ano ba ang procedures na kailangan ko
natawa ako kase...ako nga ang nagtatanong kung ano ang procedures dahil hindi ko alam
ang sagot nya sa akin "marami kasing procedure yan...ano ba kailangan mo?"
nainis ako sa bobong doctor at mga nurses ng hospital na yun.
naging monster ako at sinagot ko sya " what's my question?"
napataas ang kilay at pinapunta nya ako sa lab ng medtech nila.
para na akong iiyak sa loob dahil salbahe talaga ang mga nurse
halos hindi ako pansinin
nakatayo ako sa harap ng door ng lab nila
habang pinagpapantasyahan nila ang boyfriend ko.
finally pinalapit ako ng isang medtech at tinawag akong "ganda...ikaw na next"
aha! insecure pala sobra ang mga bruha sa akin.
kung anu-ano ang pinagsasabi sa akin sa loob about hepa.
tinanong nya kung saan sa america ang boyfriend ko
nung sinabi ko "he's not from america...he's from sweden."
(ano ba yun...lahat ng puti akala ng pinoy eh HEY JOE..)
biglang jump into idiot conclusion si bruha
"ay...mag-ingat ka baka mahawa ka sa aids nyan... may nabasa akong libro about sweden na meron silang school of prostitution."
huuuuwaaattt?????
hindi na ako nag salita halos gusto ko ng tumalon at hilain ang boyfriend ko palabas.
(excuse me....ang alam ko masyadong strict sa mga nakakahawang sakit ang sweden
at hindi nila kailangan magpa-test ng hepa dun dahil walang hepa sa sweden
it doesn't exist there. bobo talaga ang nurse na yun... akala nya pag hawak nya ang libro
hawak nya ang mundo. gosh...hindi na sya nahiya sa boyfriend ko at sa akin para sabihin yun.. alam ko sabi ng pinsan kong nurse even doctors dito sa pinas nagchi-cheat sa mga medical test nila kasi nakakahiya pag nalaman ng co-workers nila kung aids/hepa/HIV + sila. I just took the test para i-prove sa boyfriend ko na non-reactive ako. "i dare everyone to take the test too.")
i realized na mali ang pinuntahan naming ospital.
puro bobo mga tao do'n.
after ng blood sucking...bumalik ako sa front desk para magbayad.
ang bill ko ay 1720 pesos.
binigyan ko ang mataray na nurse ng 2020 pesos
nagulat ako ng binalik nya sa akin ang 20 pesos
tinawag ko sya "miss??" at inaabot ang 20 pesos
sinagot ako ng pataray "yes!!!!!???"
pinakita ko sa kanya ang receipt at sabi ko " 1720 pesos ang bill ko... kaya kita binigyan ng 20."
tinanggap nya ang 20 at naglabas ng calculator.
naalala ko si manong na naglalako ng mani.
"OH MY GOD~!!"
yun po ay graduate ng perpetual help college
apat o hangang limang taon na tinapos ang kurso sa nursing o medisina.
hindi po ako nurse at hindi din po mayaman magulang ko para pag-aralin ako ng medisina
pero marunong po ako mag 1+1, 1x1, 2\div2 at 2020-1720 ng walang gamit na calculator.
na-shock ang boyfriend ko sa mga nangyare....hahahaha =)

habang nagda-drive pauwi kumuha ako ng card sa toll teller
may napansin ako sa toll teller
mukhang boring ang trabaho nya at madali lang
nakaupo lang, bigay ng card, tanggap ng bayad at bigay ng sukli
kahit disable people kayang gawin ang trabaho nya
bakit kaya hindi bigyan ng chance ang mga disable para mag ka-trabaho?
siguro naman may test para sa qualification ng empleyado na kaya din ng disabled persons
nakakatuwa siguro yun.
laging may happy meal sa wheel chair si manong at manang =)

dumaan ako sa waltermart sta. rosa para mamili sa supermarket nila ng gatas
nakita ko ang kaibigan ng lil brother ko.
bagger sya sa supermarket
naalala ko ang bata na yun na nagsabi sa akin
"gusto kong makatapos ng college para maging engineer."
tinanong ko siya kung nakatapos na sya ng college
sabi nya hindi pa at nasa 2nd year level pa lang sya.
tinanong ko sya kung pwede nyang ipasok ang kapatid ko sa supermarket kahit bager lang
ang sagot nya sa akin " kasi ate kailangan college level ang tinatanggap nila."
nagulat ako sa impormasyon na narinig ko.
yun ba ang future ng mga bata ngayon?
kaya ba nawawalan ng pagasa sa buhay ang mga batang kagaya ng kapatid ko
kaya mas gusto nilang magmulot ng basura, mamalimos sa kalye dahil hindi sila nakatapak sa college?
dahil pag nasa college level ka ...pwede ka ng maging bagger? o magtrabaho sa mcdonalds at jollibee para maglinis ng sahig? para bitbitin ang order ng customer? (kahit kaya naman ng customer) para magprito ng manok? para balibaliktarin ang hamburger patties? para maging sales person at sundan ang customer sa likod habang nageenjoy syang mag window shopping?
para makipag-kumpulan sa mga 100 empleyado ng SM department store na merong 15-20 customers?
call center agents, artista at pulitiko na lang 'ata ang kumikita ngayon eh...

Oh cummon hypocrite world.
stop play-acting.
grabe naman ang discrimination dito.
nakakalungkot talaga. kaya parang ayoko na dito
masyadong divided ang soul ng karamihan sa atin.
minsan gusto ko rin sisihin ang roots, ang magulang at ang environment na ginagalawan ko
parang ang hirap mag evolve dito.
kelan ba tayo naging proud at sinabing
" pinoy yan... hindi americanized."
or conceptualized ng kano. hehe
hindi yan base sa libro ng nurse ng laspinas. hehehe
tingnan mo paligid mo...kapit-bahay natin lahat to.

=P

1 comment:

Frisno said...

You forgot to mention when we where buying a compass in the small supply store, you where pointing at it where it hang in the display. Telling the clerk that you would like that compass and the clerk answered: "Mam we have no compass". After showing the clerk once again he fetched another clerk with a key to the locked display cabinet. When that clerk where to open the case she asked clerk one what product to fetch. Clerk one answered: "The compass" upon clerk 2 replied: "We have no compass". Anyway we bought the non existing compass and left the store.
What puzzles me is all those employees that stands in every isle to help you find what you need, what good are they if they have no clue about what product there are in the store or even in front of there nose.